Tag Archives: election official

Alam Ba News?

– Nanalo si Barack Obama at nanatili siyang pangulo ng Estados Unidos. Maraming Pinoy ang natuwa nang siya ay nanalo. Sabi ng aming nakapanayam, “… mas sikat kasi si Osama…”

– Tumungo si COMELEC representative sa Estados Unidos upang magbantay sa halalan doon para may matutunan na magagamit dito pagbalik. Hayun, pinasikatan siya ng mga election official doon, ginawang isang araw lang ang botohan at bilangan.

– Isang taon na mula nang mabaril si Ali Peek. Ilang taon na rin mula nang mabaril ang aktres na si Nida Blanca. Ilang araw na lang, Pasko na, sabi ni Deo Macalma.

– El NiƱo daw ngayon, sabi ng PAGASA. Naniniwala ka ba? Kaya nga mainit kung araw at malamig sa gabi. Bukod pa ito sa mainit ang araw at malamig kapag Disyembre.

– Kasalukuyan pang nagtatanggal ng mga di kanais-nais na partylist ang COMELEC, kaya wala munang article.

Advertisements