Review: Dati

Tagal ko nang hindi ginawa ito! Sa totoo lang, parang ayaw ko na magreview ng kanta dahil puro lumang kanta sa 1o4.3 ang pinakikinggan ko sa radyo, pero may kakaibang dating ang kantang ito. Para bang sinasabing uso na ang maging “nineties kid” gaya ko. Pakiramdam ko rin trenta na ako, di gaya ng tunay kong edad na bentenuwebe. Sinulat ni Thyro Alfaro at Yumi Lacsamana para sa isang contest (na napanalunan), halatang mga kaedad ko sila, hindi si Sam Concepcion. May shoutout ang kanta sa aking mga favorite things gaya ng family computer, cartoons sa ABS-CBN, ang kahalagahan ng 4:30 PM (sagrado ang oras na to, ‘tol), siesta (na tinatakasan ko), at Bojo Molina. Hindi binanggit si Aiza Seguerra, rollerblades, at teks (na minana sa mga 80s kids).

Pinanood ko rin ang youtube (maganda ang connection ko ngayon e) music video nito by Universal Records, at nakulangan ako. May dalawang bata na naglalaro dito ng mga laruan ko dati (Ultraman at Pop rings, anyone?). Inilagay nila sa isang garapon at ibinaon (parang episode sa Mojacko) para gawing time capsule. Sa dulo naglabas ng passport si lalaki at mag-aabroad pala siya. Medyo pilit ang kuwento, pero ayos lang. Nakakasawa na minsan yung mga break sa kanta para lang may spoken word ek-ek yung video. Mas pilit lang yung exposure ni Sam Concepcion at Tippy Dos Santos na kumakanta (si Tippy ewan ko ba kung bakit hindi mabitawan ang higanteng payong). Si Quest? More exposure pa!

Lyrics:

Datirati sabay pa nating pinangarap ang lahat
Umaawit pa sa hangin at amoy araw ang balat
Naaalala ko pa non nag-aagawan ng nintendo
Kay sarap namang mabalikan ang ating kwento

Lagi-lagi ka sa amin dumidiretso pag-uwi
Maglalaro ng tao-taong piso-pisong nabili
Umaawit ng theme song na sabay kinabisa
Kay sarap namang mabalikan ang alaala

Ikaw ang kasama buhat noon
Ikaw ang pangarap hanggang ngayon

Chorus
Di bat ikaw nga yung reyna at ako ang iyong hari
Ako yung prinsesang sagip mo palagi
Ngunit ngayoy marami ng nabago’t nangyari
Ngunit di ang pagtingin na gaya pa rin ng
Dararatda dati
Dararatda dati
Dararatda dati
Na gaya pa rin ng…

Datirati ay palaging sabay na mag syesta
At sabay rin gigising alas kwatro y medya
Sabay manunuod ng paboritong programa
O kay tamis naman mabalikan ang alaala

Chorus
Di bat ikaw nga yung reyna at ako ang iyong hari
Ako yung prinsesang sagip mo palagi
Ngunit ngayoy marami ng nabago’t nangyari
Ngunit di ang pagtingin na gaya pa rin ng

Rap: Quest
Datirati ay naglalaro pa ng bahay-bahayan
Gamit-gamit ang mantel na itinali sa kawayan
At pawang magkakalaban pag nag tataya-tayaan
Pero singtamis ng kendi pag nagkakasal-kasalan
Diba dati ay nagkukunwaring Marvin at Jolina
Minsan ay tambalang Mylene at Bojo Molina
Ang sarap sigurong balikan ng mga alaala
Lalo na’t kung magkayap mga bata’t magkasama at

Parang Julio at Julia lagi tayong magkasama
Sabay tayong umiiyak pag inaapi si Sarah
Una kang kinakatok sa pagsapit ng umaga
Sana mabalik pa natin ating pagsasama

Chorus
Di bat ikaw nga yung reyna at ako ang iyong hari
Ako yung prinsesang sagip mo palagi
Ngunit ngayo’y malayo ka’t malabong mangyari
Ang aking pagtingin,
Oh ibulong nalang sa hangin
Pangarap na lang din (pangarap na lang din)
Na gaya pa rin ng…

Dararatda dati
Dararatda dati
Dararatda dati
Na gaya pa rin

Dararatda dati
Dararatda dati
Dararatda dati
Na gaya pa rin ng…

Ng dati

Video:

Sarap balikan ng mga alaala. Minsan, ito na lang ang matitira. Langyang Alzheimer’s iyan.

P.S. Para sa mga nineties kid, punta kayo sa I-Mockery. You will like what you see.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: