Dear Neckromancer: Suspended Coffee

Dear neckromancer,

Nakakatuwa nang madaan ako sa isang coffee shop sa place of work ko. Imagine, one can order coffee or food pero hindi mo kakainin tapos may ibang kukuha. It’s so cool kasi you get to feed people who need food who might not be able to afford it. Nakakatuwa naman I plan to put up something like it sa amin. What do you think?

Carlo’s Number One Fan

Dear Pamaypay,

Meron akong ikukuwento. Usually minsan kapag may pera dumadaan ako sa isang lugawan dito sa Lagro para masayaran nang mainit ang tiyan ko bago umuwi. Minsan isang Sabado, may mag-ina na umaali-aligid dito na namamalimos sa mga kumakain, kalabit-penge style. Ito naman si ako, automatic na kabig sa bag saka straight forward ang leeg sa kinakain. Mahirap na. Biglang may pumasok na maton, iyung tipong may gym bag, umorder ng tokwa’t baboy at goto. Umupo siya katabi ng babae at dinaldal habang inaantay ang order. Inusisa ang babae. Kalaunan ay umorder ng pagkain para sa kanya. Napaisip ako, mukhang may balak si kuya a. Napangiti pa ako sa loob-loob ko. Alam niyo naman ako, napakamalisyoso.

Ang ending, inubos ko ang pagkain ko sa hiya noong naisip ko kung ano ang iniisip ko.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: