Bread and Circus

This was supposed to be a review on pinoyconsumeradvocate.com, a very good website dedicated to be the Word of the Lourd of Pinoy consumers. Instead, I just bought one product and I felt it didn’t justify the whole experience.

 

I went to SM Fairview to have my Smart WiMax looked at. I have been having some problems with NOT CONNECTING TO THE INTERNET, WHICH IS THE SOLE REASON I WANTED TO SUBSCRIBE. It is a minor problem, and I was happy to cancel a previously set up get together with friends for this debacle.

 

I wandered around and thought to myself to buy something in Breadtalk/Baker Fresh beside the Dairy Queen. I found a slab of focaccia there, flavored with rosemary and olives. Isipin mo parang raisin bread pero olive ang nilagay kasi nagiinarte yung panadero; nilagyan pa ng rosemary imbes na chives gaya ng Magic Flakes. Pasensiya na sa description ko, di naman kasi ako food writer. Call me a brute.

 

So naisip ko, bibili ako nang malagyan naman ng kaunting class ang mga tiyan namin sa bahay. Para na din madantayan ng olive oil ang kaluluwa naming sagad na sa Baguio oil. 60 pesos ito, so medyo mura kesa sa ibang offerings nila dun. Nagmukha siyang libro nang mapasok sa brown paper bag.

 

Nang dinala ko na sa bahay, hinanda ko sa tatay ko (isa siyang cook sa ospital). Napakunot ang noo niya sa presyo, at kumagat. Metallic ang aftertaste. Alam niyo na siguro kung kilala niyo ang herb na rosemary, pero hindi pa rin bagay sa tinapay. Saka kung kilala niyo ang rosemary, alam niyo na siguro na makahoy ang herb na ito. Kung kakainin mo ang rosemary and olive focaccia, mapapadura ka para hindi mo malunok yung metallic na lasa. Yung olives? Brings back memories. Lasang kulangot na natikman ko noong bata pa ako. Kahit paano sariling kulangot ang natikman ko, so baka subjective lang ako at lasang olives pala ang kulangot ko.

 

On a bright side, mas madaming fiber ito kesa sa whole wheat bread. Mga 5 grams siguro. Yung fiber na parang sa walis tambo.


4 responses to “Bread and Circus

  • cheesecake

    malapit ka lang pala sa SM Fairview dati palagi kami dyan nung nakatira pa kami sa SJDM Bulacan. Ngayong nasa QC na kami, feeling ko equal ang distance or travel time sa amin ng SM Fairview, SM North at SM Manila. Pinakamalapit lang siguro ang SM Nova without the traffic.

    Rosemary FTW sa mga roasted meat. Kapag ginagawa ko yun, kapag may dadaan at nakita ng iniihaw laging tanong e, “ano yan?”. Isang beses ko lang sinubukan maglagay ng olives sa pasta, ayoko munang ulitin.

  • chengboiser

    haha enjoy ako sa foodtrip mo ah! naks olive, I really dont like that. I have a friend who loves eating the black one as well as the green one at gulantang lang ang mukha ko how she keeps a straight face while munching on that one. Anyway kaya nga hindi ako mahilig sa totyal, lalo na’t hindi ko alam ang mga pinaglalagay diyan😛

  • neckromancer

    masarap naman ang olives, pero may binabagayan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: