Ang Langgam at ang Dalaga

retold from another story by Manuel Arguilla:

***

May isang langgam na nakatira sa isang maliit na butas sa lupa. Alam mo na, madilim, masikip, binabaha. Sawang-sawa na ang langgam na ito sa pagtira sa lupa. Sabi niya, (all together now!) “Ayoko nang masikip! Ayoko nang madumi! Ayoko nang…” Sawang-sawa na rin ang kanyang mga kasamang langgam sa reklamador na ito. Kaya isang malamig na madaling-araw, lumabas ang langgam sa lungga.

“Maghahanap ako nang sarili kong butas.” Humayo siya at naglakad. Dahil nga maliit lang siya, inabot siya nang ilang araw bago nakakita nang isang butas. Maliit, dahil siya lang ang kasya. Madilim, dahil hindi naman marunong gumawa nang apoy ang langgam, ano? Pero OK lang iyon sa kanya, kasi tama lang ang init ng butas na ito. Malambot pa ang lupa. Naghanda na siya para manirahan dito.

Lingid sa kanyang kaalaman, ang butas na kanya palang pinasukan ay ang butas ng kaligayahan ng isang dalaga. Lingid ito sa kaalaman ng dalaga, na naghihintay sa kanyang kalaguyo.

Nang maggabi, bigla na lang nagising si langgam. Lumabis yata ang init ng kanyang tirahan. Bumangon siya at pahikab-hikab (humihikab ang mga langgam) nang bigla siyang mapamura (kunyari). Lumilindol! Dali-dali siyang tumungo sa bukana ng kanyang kuweba para lumabas nang may kung anong malaking bagay na bumubunggo sa kanya. Ayaw yata siyang palabasin ng bagay na ito! Makalipas ang ilang minutong pagbugbog at pagkahilo, may kung anong baha na sumubok na sa kanya’y lumunod. Hirap na hirap siyang lumabas dahil mabaho ito at malagkit. Mabuti at tumigil na ang lindol at unti-unti nang lumalamig ang lupa.

Ngunit dahil dito, bumalik si langgam sa kanyang lungga sa lupa. Mabuti pa roon at alam niya ang nangyayari.  At kung napanood ng langgam ang pelikulang The Wizard of Oz, marahil ay sasabihin niyang, “There’s no place like home.”


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: