Dear Neckromancer: Courtship

Dear neckromancer,

Ako ay isang 2nd-year college student sa isang di-kilalang eskwelahan. Sa tanda kong ito, hindi pa ako nagkaka-girlfriend. Marami naman akong crush na babae at alam kong lalake ako. Ang problema lamang ay hindi ako marunong manligaw. Paano ba manligaw at magka-girlfriend?

I. M. Thorpe

Dear G. Thorpe,

Nadala na rin ng sobrang init ang ulo mo ano, kaya gusto mong magka-girlfriend? Ako pa ang napagtanungan mo?

Anyway, talagang nagtataka ako kung bakit ako pa ang natanong mo ngayong torpe rin akong gaya mo. Yup, pero hanggang 1st year high school lang ako torpe. Nung sumunod na mga taon, manyak na lang.

See, madami din akong crush noong bata pa ako. Elementary, high school at college, bawat taon naaalala ko kung sino ang inaalayan ko ng tula (at natapong semilya) nang mga panahong iyon. Pero torpe ako kasi marami akong takot at insecurity sa buhay. Andiyan yung maaga akong naging socially conscious, na dahilan ng aking pagka-addict sa pagkain, na dahilan kung bakit tamad akong mag-exercise, na dahilan kung bakit bumagal ang reflexes ko, na dahilan kung bakit mababa ang grade ko sa PE, na dahilan kung bakit wala akong kapaga-pag asang maging varsity player noong bata pa ako kaya hindi madali ang manligaw.

Sa totoo lang, madali lang manligaw noong ako ay nag-aaral pa. Looking back, takot akong manligaw dahil ang tingin ko sa sarili ko ay mahirap at ang tingin ko sa pagiging magkasintahan e nine-tenths na ng pag-aasawa. Laging tumatakbo sa utak ko na, wala akong panregalo, wala akong pang-date, wala akong maipaPAKAIN!

But enough about me, let’s talk about you. Ang iniba ko ngayon ay mayroon akong iniibig na alam kong minamahal din ako (para sa akin, synonym ang dalawang iyan, ‘wag magulo). Paano? Ganito iyon. Ang mga conditions ko noong bago kami magkita ay:

  1. May trabaho ako,
  2. May bank savings account,
  3. May malinaw na pag-iisip, at
  4. May malinis na tenga.

Kasi ito lang naman ang katotohanan sa bawat panliligaw at laro ng pag-ibig, ano man ang sabihin ng mga tagapayo sa radyo, TV at tabloid: Iba-iba ang bawat tao. Ergo, iba-iba ang gusto natin. May ideal woman ka, pero naisip mo ba kung ideal man ka niya? Pero huwag mag-alala dahil sa dinami-dami ng unique na tao sa mundo (lahat, actually), may magkakagusto sa iyo.

Ito ang pangalawang katotohanan: Hawak mo ang iyong kaligayahan, at hindi iyung makamundong kaligayahan iyung tinutukoy ko. In English, it is up to you to be happy with what you have.  Decision mo iyan, pare. Ibig sabihin, huwag mong gawing batayan ang ruler ng iba. Huwag kang magbasa ng slumbook ng ibang tao at kabisaduhin ang kanilang “What is Love?” Kanila lang iyon.

Ito ang pangatlong katotohanan, at ang pinaka-essential sa sandaling manliligaw ka na: Seryosohin mo. Kung talagang in love ka, makinig ka sa mga sasabihin niya. Hindi lamang para maganda ang ipangbobola mong sagot, pero para maging honest ka sa sagot mo. Dahil kung mahal mo siya, mahal mo pa rin siya kahit na dahil sa nakita niya sa panliligaw mo e malabo siyang magkagusto sa iyo. Pwede ka pa rin niyang mahalin, malabo nga lang.

***

At kung mabasted ka man, OK lang iyan. Madami pang unique na tao sa mundo. Hindi masama ang magmahal nang higit sa isang tao, huwag lang sabay-sabay. Malay mo true love mo pala ang pag-aalaga ng mga apo ng crush mo noong elementary. Hindi ito masamang bagay. Ang tao, hindi lang sa kapwa tao umiibig. Kaya nga may Diyos e.

Isa na namang tanong na hindi nasagot nang tama,

neckromancer


3 responses to “Dear Neckromancer: Courtship

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: