Dear Neckromancer #1

Dear neckromancer,

Isa ako sa mga nakatalisod ng iyong blog sa paghahanap ng malalaswang key word sa Google. Hindi ko maintindihan pero kahit na nasusuka ako sa mga kabulastugan mo rito, hindi ko maiwasang laitin ang mali-mali mong grammar at mababang pwesto sa topblogs. Kahit paano ay natuwa rin ako.

Nakalimutan ko tuloy ang isang problema na matagal nang bumabagabag sa akin. Isa akong working student sa isang kolehiyo. Dahil sa malayo ang aming bahay sa probinsiya ay nagpasya akong kumuha ng kuwarto sa isang boardinghouse malapit sa LRT. Sa aming boardinghouse ay parehong lalaki at babae ang nakatira. Wala naman akong malaking problema pero may hinala ako na may naninilip sa akin sa tuwing ako ay naliligo. Paano ko ba ito mapipigilan nang hindi makikipag-away?

laitera

P.S. Sana ay huwag mong i-publish ang problema ko at sa email mo na lang ako sagutin. Thanks.

Dear laitera,

Salamat naman at naaliw ka ng aking mahigit isang taong kagaguhan sa internet. OK lang kung pagtawanan mo ako, makakabawi rin ako sa iyo minsan.

Pero sport naman ako, kaya bibigyan kita ng payo. Para hindi ka silipan ng mga lalaki sa tuwing ikaw ay maliligo, tumae ka muna. Kapag nakita ka na nila na tumatae nang basa at maingay, hindi na sila masisiyahan, maliban na lang kung nage-enjoy pala sila sa 2 Girls 1 Cup.

Naglalambing,

neckromancer

Edit:

Para sa mga nagtataka kung ano ang 2 Girls 1 Cup, heto ang isang version mula kay McBeefy ng cracked.com:

from cracked.com


12 responses to “Dear Neckromancer #1

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: