Ghost Stories

When I was a wannabe journalist in college, I interviewed people on my own regarding their experiences on ghosts and I came up with the stories below. These are stories barely a year young when I first wrote it; I asked people to describe the latest experience they had with the supernatural (or what they think is). Although the stories are told in the first person, these are not word-by-word, because I had no way to record their exact words yet. When I submitted these stories to my editor, I found out that the paper has no space for it.😦 I learned a valuable lesson in life, and that is to reveal your plans first to your superior.
All these stories are supposed to have happened at the same school. It is a medical school in Quezon City.🙂
Therefore, enjoy the stories, and in the words of Michael Jackson’s Thriller music video, this piece no way endorses a belief in the occult.🙂

Way to say it, Jacko

S.:
Sa loob ng Clinic and Training Center (CTC), nag-aayos ng mga gamit si S, isang intern, sa records section. Sa isang kisapmata, may nakita siyang isang batang babaeng maiksi ang buhok at mahaba ang kasuotang gray. Nagtitigan ang dalawa nang dalawang segundo bago nawala ang bata.
F.:
Noong may balita na may nagpakamatay noong summer sa isang ospital, may naranasan si F isang linggo makalipas na nanakot sa kanya.
Naglalakad siya sa parking lot ng lumang Admin building papunta sa SM. Kasama niya noon si P na nakakakita din. Nag-uusap sila habang naglalakad.
May nakasalubong silang lalaki na naka T-shirt at jeans (ang T-shirt ay dark blue na may yellow piping sa collar). “Akala ko tao talaga,” ani F. Ngunit nang madaanan niya, (siya ang pinakamalapit sa lalaki) nagtayuan ang balahibo niya sa batok at wala na ang lalaki paglingon niya.
Tinanong niya si P na umaming alam din niyang hindi mortal ang nakasalubong nila.
Fenris:
A. Study Lounge
Pagod sa practice ng chorale sina Fenris, Ka, A, Ki, at G noong gabi ng November 2003. Malapit na kasi ang contest na halos kasabay pa ang Lantern Parade. Lumabas muna sila sa Room 406 at naupo sa corridor (ugali na ng mga PT ang maupo sa corridor, lalo na at walang tao).
Habang nagpapahinga ay napansin nilang may animo 1st year PT student (white polo, black pants) na nakahiga sa sofa ng study lounge sa katabi ng Dean’s Office ( bukas lahat ng ilaw noon). Kasabay ng isang malamig na simoy galing sa study lounge, lumipat ng ulunan ang lalaki, tumayo at naglakad tungo sa Dean’s Office. Hindi “niya” binuksan ang pinto, bagkus ay tumagos sa loob.
Sa isang hiwalay na pag-iimbestiga ay nalamang may lumang elevator shaft ang Admin building at ito marahil ang pinuntahan ng lalaki.
B.  Room 402
Sa isang hiwalay na chorale practice noong December 2003, lumabas si Fenris at F sa Room 406 upang jumingle. Tanging Room 406 lang ang bukas noon dahil gabi na. Bukas naman ang mga ilaw sa corridor.
Nang naglalakad sila sa tapat ng Room 404 ay narinig nilang tumutunog ang doorknov ng Room 402 na para bang may gustong lumabas mula sa pintong nakakandado. Nang matapat sila sa Room 402 ay may isang babaeng mahaba ang buhok ang bumangga sa pinto mula sa loob, kasabay ng malakas na “blag”!
C. Student Council Office
Isang gabi, papunta si Fenris sa CR nang may nakita siyang “naka-crouch” sa ilalim ng bintana ng SC. Hindi niya ito pinansin, ngunit tumayo ang batang lalaki na parang ginugulat siya. Ang bata ay may tuwid na buhok  na abot hanggang kilay, at madalas ding nakikita sa ibang room.
L.:
“Marami sila. Sa school, marami sa cadaver room…depende sa place…meron din sa CTC…sa Room 502.”
A. Cadaver room/ Room 501
Una siyang nakakita noong 2002, may class sa Anatomy. Bawat cadaver ay may kaluluwa. Anim lahat ang cadaver sa room, bawat isa sa kanyang sariling mesang may bathroom tiles. Ang mga kaluluwa nila ay mukhang mga normal na tao sa kilos at itsura maliban sa isang bagay: hindi nakikita ni L ang kanilang mga mukha. Ang nakapuwesto sa kanilang mga mukha ay ang “blurring” na makikita sa TV screen kapag sign-out na ang channel.
Madalas niya silang makita. Seven out of ten chances ay naroon sila, nakatayo, naglalakad. Hindi umaalis sa puwesto ng katawang lupa. Habang nagda-dissect, habang may practicals, habang may naghaharutan. Tahimik lang. Nanonood.
B. CTC
“Parehas kami ng nakita ni Karla.”
Noong pangalawang linggo ng October last year (2004) ay may lalaki na mukhang pasyente sa loob ng gym area ng CTC. Nakasideview siya, ngunit kita pa ring wala siyang mukha. Sa postura ay isang payat na matanda. LAgi siyang naroon, ten out of ten sa shoulder wheel o sa hydrotherapy room.
Ayon kay Karla (2005), nakasuot ang matanda ng checkered shirt. Tatlong beses isang linggo niya itong nakikita.
C. Room 502
Naglelecture noon ang isang prof sa Room 502 nang mapansin ng ilang estudyante sa harapan ang pagbukas ng bintana saharap ng room kung saan wala namang hangin at mainit noon ang panahon. Ang bintanang ito ay bumubukas palabas at walang lock.
Nagkagulo nang sabihin ni A. na may nakita siyang batang lalaking naka-crouch sa likod ng mesang katabi ng bintana. Hindi natuloy ang lecture nang himatayin ang prof at isugod sa ER ng ospital.
Matapos nito, inamin ni L ang kaniyang mga nakita. Isang payat na batang lalaki ang nakatayo sa katabing pinto ng 502 (ngunit madalas niyang nakikitang nakatayo sa mga microscope) at naglakad papunta sa stage hanggang sa likod ng mesa at nagtago sa tabi ng bintana.
Daga:
2002 nang una siyang makaranas ng mga kababalaghan sa College of Physical Therapy. Second year pa lang ay busy na sa choral practice.
Isang gabi, tatlong araw bago ang contest, pagod na lumabas si Daga sa Room 405 mula sa pagtuturo sa mga kagrupo. Nang mapadaan siya sa harap ng Room 402, isang babaeng mahaba ang buhok ang nakaupong nakaharap sa whiteboard. Pagkakita dito, natakot si Daga dahil maitim ang “mukha” ng babae at napalilibutan siya ng isang “white margin.”
“Umiiyak talaga ako,” ani Daga. Mabuti na lang at hindi na ito naulit, hindi tulad ng naranasan nina F at P.
“Ang Bata”
Una kong narinig ang tungkol sa batang lalaki mula sa freshmen ng Physical Therapy. Madalas nila itong makita/madama sa Room 405. Ang tantiya nila ay 4 feet ang taas nito, payat at tuwid ang buhok. May mukha ang bata, ayon kay “Tats.” Mapaglaro ang bata. Ilang beses na itong nakitang nagtatago sa likod ng kurtina ng 405, sumisilip. Mahilig din itong tumakbo at malimit lumabas ng kuwarto.
Ang mga interview sa mga taong ito ay hiwa-hiwalay na ginawa. Ang mga sentence sa loob ng quotation marks (“”) ay mga saktong binanggit ng mga saksi. Saka congratulations nga pala at graduate na kayo.🙂

2 responses to “Ghost Stories

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: