Tagged!

Oo na. Inaamin ko. Ako ay naglilikot sa tagged.com. Ang website ng mga sawi gustong makita ang kanilang special someone. Pero sa ibang dahilan, dahil heto na naman tayo para sa katatawanan!

Sa paglilibot ko sa Meet Me! game ng tagged ay makikita mo ang mga iba’t ibang klase ng tao dito. Hindi lang naman Pinoy ang gumagamit nito. Marami rin ang mga manyakis na “Paki” (Pakistani) na napagkamalan akong babae dahil sa makeup na nakalagay sa aking graduation picture na nakapost sa aking profile (dati). Nandiyan din ang mga Pinay na gustong mag-abroad (Makikilala mo sila dahil nakalagay ito sa kanilang profile, seriously). May mga gustong makipag-meet sa kapwa mahilig (Ito ang rare. Hindi pa ako nakakita ng ganitong species, bagamat marami ang nagkukuwento). May mga taong gusto lang maglaro ng Pets for Sale at Mafia Wars na hindi ko alam kung bakit at may facebook naman.

Isang feature din dito iyung Gold. Ito ba iyung currency na gagamitin mo para makapagpadala ka ng munting icon sa iyong kursunada. Pwede kang magpadala ng maliit na picture ng birthday cake kung birthday nung kausap mo. Tiyak, sa laking tuwa niya, pakakasalan ka kaagad n’on. E magkano naman pala ang Gold na iyan? Ang pinakamurang offer nila e 2,500 Gold para sa murang-murang 5 dollars. Mura ano? Mas mahal pa siguro iyung raket ng Zynga. Kasi ba naman, iyung pink rose na ipapadala mo e 1,000 Gold lang. (Buti na lang wala ako credit card.)

Sumilip tayo ng ilang profile:
1. Female, 26 years old, Mandaluyong. Tagline:

    I may never be good enough for everybody, but i’ll always be the best for someone who deserves me…

Member since: November 2006
I say, Get out of your house, iha. Sayaw ka sa Emba, este, Anchor. Baka dun mo makita ang hinahanap mo. Iwas ka lang sa mga tipo ni Baron Geisler o ni Jason Ivler.

2. Phebz (Ano kaya ang tunay na pangalan niya? February?)
Tagline:

    “there is no past,past is present when you carry it with you”

(Where did you get that quote? Why did you think it was such a good idea?)

3. (◕‿-。)******PET****** (Ganyan kahaba ang pangalan niya)
Tagline: “”♥♥ﻜ♥ Abstract thoughts. Loves reality and abstract. Intelligent and clever. Changing personality. Attractive. Sexiest out of everyone. Temper” (Sexiest out of everyone. Winner ka sister! Loves reality and abstract. Balimbing!)

4. Seems like a decent enough person, pero panalo ang tagline niya:

    “oh,com’on…gim’me a break! ^_^”

5. Ito ang tagline ng isa: “your tag line appears on your profile

    and in meet me…

Here are profiles to run away from, really quick:
1. The profile in the picture is Angel Locsin, Angelica Panganiban or Maria Ozawa. For men, it’s Derek Ramsey, Jon Hall or Tado (Malay mo honest).

2. It takes you more than 3 minutes to load the profile page.

3. The profile page has links to videos of dubious pornographic origin.

4. A baby appears in more than three pictures in her profile. The kid has a very striking resemblance to the lady. And one of the woman’s interests include “going abroad”

5. AotA: All of the Above

P.S. Huwag niyo sabihin sa girlfriend ko ha? 🙂

Disclaimer: In the interest of feminists, no, it is not my primary goal to make fun of other people’s dreams.

Advertisements

3 responses to “Tagged!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: