Deconstructing Party Lists Part 2

On with the show!

95. ANG TRABAHANTE – Party list ng mga nagtatrabaho sa Abante.

96. ANG TSINOY – Hindi ba marami na ring Tsinoy sa Kongreso?

97. ANUPA – E di Ako!

98. APEC – International na nga ang party list ng Pilipinas

99. APELA – Party list ng mga NOT GUILTY

100. APO – Batang-bata, parang Gibo

101. APOI – Eto yata ang kasama ng ABO party list

102. ARAL – Boring ba?

103. ARARO – From the makers of Tag-ulan Noon, Ang Bukid ay Basa. Gandang title ng pelikula ito

104. ARC – Hindi ba ito yung company ng murang softdrinks?

105. ARCAPP – Yung ARC kapag naging app sa Iphone o sa facebook.

106. AS – Parang kulang. Ano ba ito, ASO? ASA? ASI (Taungaba)?

107. ASAHAN MO – Ito naman parang kanta lang.

108. AT – Party list ng mga mahilig sa run-on sentences.

109. ATING KOOP – Partido ng mga makasariling manok

110. ATM – Partido ng mga hindi mabubuhay nang walang bangko

111. ATONG PAGLAUM – Tunog hoodlum na ginawan ng pelikula ito

112. ATS – Parang action team naman ito.

113. AVE – Kulto na naman?

114. AVPAP – Party list ng mga lolang walang pustiso

115. AWAT – Party list ng mga mahilig sa “Peace, man!” Isama na rin yung “Pendong, peace!”

116. BABAE KA – E Paano iyan lalake ako?

117. BAGO – After 3 years magpapalit ba ito ng pangalan?

118. BANAT – Parang malibog lang a

119. BANDILA – Bagong Bayan na Nagtataguyod ng Demokratikong Ideolohiya at Layunin daw ito. Nalinawan ba kayo? Multi-sectoral daw ito kaya generic na naman

120. BANGON TRANSPORT – Dahil may mga tamad na drayber…

121. BANTAY – May party list na rin pala ang mga aso?

122. BAYAN MUNA – Kelan pa naging totoo ito?

123. BAYANI – Party list ni Hero Angeles, Bayani Agbayani at Hero Bautista

124. BH – Party list ni Bernadette Herrera na current congressman sa QC na gustong manatili sa kongreso kahit lagpas na sa term. Langya, ngayon idadamay pa buong bansa.

125. BIDA – Batang Iwas Droga. E di ba project ng gobyerno ito? Bakit ang Mamamayang Ayaw sa Droga na-disqualify ito hinde? Mas malakas ba ang karisma ni Genuino kaysa kay Goma?

126. BIDA (BINIGKIS) – Binigkis na Interes ng mga Drayber sa Adhikain, Inc. (BIDA). Dapat ang acronym nila: BIDAI. Mas masarap sabihin

127. BIGKIS – Party list ng mga naghihigpit ng sinturon

128. BINHI – Dahil hindi magandang pakinggan ang PUNLAY

129. BIYAHENG PINOY – Mabuti na iyan kaysa BIYAHENG IMPYERNO

130. BUHAY – Eto ba iyung kay Velarde? Kung hindi kulto ang El Shaddai, at least ito baka mag-qualify.

131. BUKID – Tama. May party list na BUKID at ARARO. KALABAW na lang ang kulang

132. BUKLOD FILIPINA – Bakit puro babae ang nandito? Wala bang party list ng mga maton?

133. BUTIL – Tama. Kalabaw na lang ang kulang.

134. CHINOY – Ano ba ang tamang spelling? TSINOY o CHINOY?

135. CIBAC – Ang logo nito ay palakol. Seriously.

136. COCOFED – Dahil sa gutom niyog na lang ang kinakain ng tao

137. COFA – Teka, hindi ba bastos na salitang bading ito? Paano ito nakapasa sa MTRCB?

138. CONSLA – parang kulang. Dagdagan niyo pa at nang may mainsulto tayo dito.

139. COOP-NATCCO – National Confederation of Cooperatives. Ito pala ang confederacion! Ahhaaaayyyyy!!!

140. CPM – Continuous passive movement o diarrhea

141. DAMAYAN – May party list na si Rosa Rosal?

142. DIWA – Aba, kailangan ng bansa ito! Kaya pala kulang na kulang ang common sense sa Pilipinas e.

143. EMMANUEL – Ano ito, God the Son naman ang tumatakbo?

144. FFW – Party list ng mga baliktad magwrestling

145. FIL-MUS – Party list ng Filipino at Muslim. Teka, ibig bang sabihin hindi Pinoy ang Muslim?

146. FIRM-24K – Party list ng mga mahilig sa pyramid scam

147. GABRIELA – Ilan kaya dito ang ander ang mister?

148. GREEN FORCE – Party list ng mga:
a. berde mag-isip
b. berde ang dugo

149. IVAP – Sabi ni Raf Rectum, EVAT, hindi IVAP. Pero magandang name ng party list ang EVAK

150. KAAGAPAY – Kapag lupaypay, kailangan mo ng KAAGAPAY (Langya, corny na ako!)

151. KAAKBAY – Hindi kaya makasuhan tayo ng sexual harassment niyan tsong?

152. KABATAAN – Wala ba tayong KATABAAN diyan?

153. KABAYAN – Alam ko hindi si Noli De Castro ito. Pero ito ba ang party list ng panaderong Pinoy?

154. KAKUSA – Partido ng Kabit na Takut sa Asawa

155. KALAHI – Para sa mga nalahian.

156. KALINGA – Asan ang APAYAO party list?

157. KASAPI – Para sa mga member

158. KATRIBU – Mas exclusive pa sa Kasapi

159. KATUTUBO – Sino ang katutubo sa Pilipinas kung lahat naman tayo nanggaling sa ibang bansa via land bridges?

160. KLBP – Kapisanan ng mga Low Back Pain

161. LPGMA – Bakit kailangang magkaroon ng party list ang mga nagtitinda ng gasul?

162. LYPAD – Party list ng mga maarteng lumipad

163. NCCP – National Council for Commuter Protection, in short, party list ng mga pasahero. Magcocommute kaya ang mga nominee nila?

165. ORAGON – Bikolano na naman?

166. PACYAW – Ito ang nanggagamit ng kasikatan ng iba

167. PBA – Ine-endorse ni Pacquiao ito. Seriously. Puwersa ng Bayaning Atleta. Dahil iba pa yung Puwersa ng Traidor na Atleta

168. PCL – Proactive on Climate Change Leaders daw ito. Isa na namang todo-specific sa scope

169. PEP – Ito ba yung mga tsismoso na inasunto ni Claudine Barreto?

170. PFP – Paano iporonounce ito na pa-acronym? Parang nambebelat lang a

171. PM – (Partido ng Manggagawa) In English, Labor Party. Straightforward, parang gin lang

172. PM – (PASANG MASDA) Ito naman ang acronym ng isa pang acronym. Labong kausap oo.

173. SABOD – Mas maganda kung, “SABOG”

174. SAGIP – Party list ni Maganto. Sagip Kapwa Foundation ito pero kung foundation, meron din bang blush-on?

175. SB – Partido ni Sonny Belmonte o shitbull na naman ito?

176. SENIOR CITIZENS – Party list ng mga batang-isip

177. SMART – Kapag hindi ba member ibig sabihin Row 4 na?

178. TUCP – Trade Union Congress of the Philippines. Ayos, may sariling kongreso

179. UCAP – Suot ng mga Umon, na mahilig magsalita ng Unese at gamit ang Ubet.. Luma na ang joke na ito.

180. UFS – Universal Fighting Showdown

181. UNI-MAD – Party list ng nag-iisang tamad

182. UNLAD PILIPINAS – Oo nga naman. Sino ang boboto kung BAGSAK PILIPINAS ang partido mo?

183. VENDORS PARTY LIST – Walang maisip na pangalan ang mga taong ito. OK lang iyan dahil wala na akong maisip na joke.

184. VFP – Very Fabulous Person?

185. WOMENPOWER – Iba po sa People Power

186. YACAP – Humahabol na partido ng mga manyak

187. YES WE CAN – Partido ng mga sipsep.

Sa wakas natapos din! Pero imbes na matuwa, na-depress lang ako sa ginawa ko dahil ang ibang obserbasyon ko (hindi lahat ha!) ay TOTOONG NAKAKATAKOT para sa KINABUKASAN ng PILIPINAS… Este, ayan, tinanggal ko na ang capslock.


One response to “Deconstructing Party Lists Part 2

  • Elvira Medina- President - NCCP

    Opo, Nag co commute po kami. Nakkinabang ka na ba sa higit na mababang pamasahe? Mula sa 8.50 na bumaba sa 7 pesos. Sa mga hindi natuloy na pag taas ng pasahe sa jeep, sa taxi , sa bus at sa MRT-LRT? Nakakasiguro ka na ang NCCP ay nariyan para sa kaligtasan at kagalingan ng commuters. Sa maliit naming kakayanan. Nakinaban ang marami. Sana sa halip na mag hasik ng duda. Makatulong ka sa bayan mo.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: