Deconstructing Party Lists! Part 1

Babala: Ang mga sumusunod ay pawang katatawanan lamang. Hindi ako binayaran ng sinomang kalaban ninyo o kakampi man. Pwede niyo rin akong laitin pero mas nakakatawa kayo.

Tayo nang manlait ng party lists!

1. 1 ANG PAMILYA formerly ANC – Langya, parang Prince lang ano (The Artist Formerly Known As Prince). Teka, bakit nauna ito, e hindi ito ang pinakauna sa alphabet? Aahh… Kasi nauuna ang “space” sa “dash.”

2. 1-AANI – Sinasabi na nga ba e. Langya rin itong isang ito. Inunahan pa ang balak kong magtayo ng party-list at ipapangalanan kong AARDVARK. Alam ko kasi iyun ang unang salita sa dictionary. “Aani” pala ang nauna. Tingnan niyo, hindi lang basta “AA,” may “1” pa!

3. 1-ABAA – Ano ang nakakatawa dito? E di ang barok na Tagalog ng acronym nitong pilit na pilit! 1-ABAA stands for: Ako Babaeng Astig Aasenso! Eto na naman tayo, “Para saan ang 1?”

4. 1-AHAPO – Ano ba ang ibig sabihin nito? “Aha!” pero magalang kaya may “po?” Chinese slang na “hapo” for “pagod?” Basta ang sabi ng facebook nila: “We envision a progressive country built on a progressive community sustained by the equitable and sufficient delivery of health care services and propelled by economic viability through the expansion of livelihood opportunities.” Pwede bang tagalugin?

5. 1-AK – Nakakatakot naman ang party list na ito. May AK-47 o AK-74 kaya ang mga ito? Sabi sa propinoy.net, eto raw ay 1-Aangat Ka Pilipino. Sabi ko naman, malabong umangat kung paggawa lang ng acronym hindi marunong! Isa ito sa mga unang “general purpose” na party list na makikita natin.

6. 1-CARE – Na-touch naman ako. Pero malayo ang kahulugan ng mga letra sa “pag-aaruga.” It stands for: 1ST CONSUMERS ALLIANCE FOR RURAL ENERGY. Ganito lang iyan, parang PAG-IBIG, BLISS (iyung pabahay ha, hindi yung lube), at PAGASA.

7. 1-NET – Uy, baka tulad ito ng TXTPOWER, pero imbes na libreng text ang isusuling, libreng internet! Mabuhay si Maria Ozawa! Ang masasabi ng propinoy.net:

failed to submit nominees.

8. 1-TUBIG – Ang dating pangalan nito ay AAWAS o ALLIANCE OF ASSOCIATIONS OF ACCREDITED WORKERS IN THE WATER SECTOR. Baka akala ng ibang tao party list ng mga nagtatae ito kaya nagpalit sila ng pangalan.

9. 1-UTAK – Ang sikat at pilit ginagaya! Bakit 1-UTAK? Dahil iisang utak lang ang meron sa grupo nila? (At hindi ito si Angelo Reyes!)

10. 1GANAP/GUARDIANS – Bilib na sana ako dito kung hindi lang sila nagpalit ng pangalan. Pero kung magpapalit sana sila, sana ang pinili na lang nila: MOTU, for Masters of the Universe.

11. 1st KABAGIS – o 1ST KABALIKAT NG BAYAN GINHAWANG SANGKATAUHAN. Tunog kulto a. Sineryoso yung joke ko sa #10. Este, mga manong, pangPilipinas lang po tayo.

12. 1st PRISA – Para sa babaeng priso? Hinde. Indigent Student Athletes. Siyempre kung pipili ka ng underrepresented group e di itodo mo na!

13. A BLESSED PARTYLIST – Ano ito, isa pang kulto? Hinde. Hindi lang marunong gumawa ng acronym. A BLESSED FEDERATION OF FARMERS AND FISHERMEN INTERNATIONAL, INC. iyan. Kapag nanalo sila ipagdadasal nila ang tanim at huli mo.

14. A TAMBAY – Hindi ba marami na nito sa kongreso?

15. A TEACHER – o ADVOCACY FOR TEACHER EMPOWERMENT THROUGH ACTION COOPERATION AND HARMONY TOWARDS EDUCATIONAL REFORMS. Parang pelikula lang ni Borat ang title a. Ito ang mortal na kaaway ng A TAMBAY. Hehehehehe…

16. A-IPRA – mga alagad ni IRAP.

17. AA-KASOSYO PARTY – Nagtitinda ng baterya na bargain. Mag-ingat kayo.

18. AAMA – Para sa mga batang nagi-stutter. O Party list ng mga mahilig sa Bad Romance.

19. AAMBIS-OWA – Formerly known as PISTING YAWA, na ipinabago ng MTRCB.

20. AANI – Teka, wetaminit! Kaya pala may “1” yung kanina kasi may kapangalan sila. Ito nga pala ang partner ni Shashaider.

21. AAPS – ASSOCIATION OF ADMINISTRATORS, PROFESSIONALS AND SENIORS. In short, party list ng matatanda.

22. AASCA – “A-as” ka rin!

23. ABA – Party list ng mga magugulatin!

24. ABA ILONGGO – Party list ng mga naggulat kay Allan K.

25. ABAKADA – Party list ng mga illiterate.

26. ABAMIN – Party list ng mga baklang nagulat kay Coco Martin

27. ABANG LINGKOD – Alam ko, kulto ito e.

28. ABANTE KA – Party list ni Xerex Xaviera.

29. ABAY PARAK – No self-respecting pulis (meron ba nun sa Pilipinas?) will call him/herself “parak.” Ito ata ang party list ng mga informer.

30. ABBA-AMA – Aba! Blasphemy!

31. ABC – Gaya-gaya ng ABAKADA.

32. ABO – Formerly known as APOY.

33. ABONO – Kasi hindi sila makapag-decide kung TAENGKABAYO o TAENGMANOK ang dapat na pangalan ng party.

34. ABOT TANAW – party list daw ng global Pinoys. OFW, expat, etc. E sa layo nila paano naging “abot tanaw?”

35. ABP-BICOLNON – Mukhang hindi tunay na Bicolano. Hindi inendorse ni Manoy e.

36. ABROAD – Kung nasa abroad sila, e di puro absent sa session?

37. ABS – Ayaw ko sa party list na ito. Nilalait ang malaki kong tiyan.

38. ACMA – Tinanggal nila ang salitang Develop sa “Develop a Convergence for Mindanao Agenda.” Bakit kaya?

39. ACT TEACHERS – Mga teacher sa ACT Theater sa Cubao.

40. ACTS – Sino nga ba ang nagsabing hindi pwedeng gamitin ang Bible sa politika ano? O baka gen. purpose din ito. Kasi ang “acts” ay “gawa.”

41. ADA – Mga “fairy” ang member nito.

42. ADAM – Mga “pards” ang member nito.

43. ADD – Party list ng mga kalaban ni Manalo.

44. ADD-TRIBAL – Party list ng mga taga-bundok na kalaban ni Manalo.

45. AFPSEGCO – Nagdalawang-isip akong magjoke dito. May “AFP” e. Nang hinanap ko kay pareng Google, langya, mga “jaguar” pala. Linawin niyo mga bords.

46. AG – Ito pala ang Ang Galing Pinoy. Ang galing nga naman ano? Nakahanap ng paraan si Mikey na manatili sa pwesto kahit tatakbong kongresman ng district nila ang kanyang mamang. (Hindi nakakatawa.)

47. AGAP – Party list ng mga daig ang masipag.

48. AGBIAG – Salitang Ilokano daw for “Mabuhay!” Unang basa ko kasi iyung salitang Tagalog para sa “nabubuhay.”

49. AGHAM – Hindi ba kulto din ito?

50. AGILA – Party list ni Val Sotto.

51. AGRI – Party list ng mga magsasaka. Pupusta ako na nang nakuha nilang i-register ang pangalang iyan, nambelat sila ng mga karibal.

52. AHON – Dahil sino ba naman ang boboto sa LUBOG party list?

53. AK – Sino ang mas nakakatakot? 1-AK o AK?

54. AKAP – Party list ng mga mahihilig.

55. AKAP BATA – Party list ng mga pedophile.

56. AKAP TAO – PArty list ng mga badinger z.

57. AKB – Ako Kain Baon. Party list ni Manoy!

58. AKBAYAN – Party list ng mga snatcher sa Divisoria.

59. AKI – Amoy-Ki PArty List

60. AKMA-PTM – Ano ang PTM? Call center agents daw e. Alam kaya nila ito?

61. AKO – Kapag wala kang mapili, iboto ang sarili!

62. AKO AGILA – Party list ni Val Sotto. Siya lang. Walang fans.

63. AKO BAHAY – Party list ni Villar???

64. AKSI – Party list ng mga Taksi na walang “t” at Saksi na walang “s.”

65. ALAGAD – Dahil may ACTS.

66. ALAY BUHAY – Party list ng mga sumasali sa Showtime, Talentadong Pinoy, at Diz Iz It na mahilig magbuwis ng buhay.

67. ALE – Party list ng nanay mo, nanay ko at nanay nating lahat!

68. ALIF – Ang Laban ng Indiginong Filipino. Ang galing mag-imbento ng salita.

69. ALIM – May party list bang Hudhud? Action league of indigenous masses daw e. Magbigay nga kayo ng masang HINDI indigenous.

70. ALLUMAD – Party list ni Joey Ayala

71. ALMA – Bati na ba sila ni Kris?

72. ALMANA – Oo na, si Alma na nga!

73. ALNA – Ala na tuloy, tagal mo kasi e.

74. ALON – Walang kuwenta naman ito. Wala bang party list na ALOG?

75. ALUM – Party list ng mga gumagawa ng Tawas.

76. ALYANSA ng OFW – Ayan! Malinaw. E ano ngayon?

77. AMA – kawawa naman ito dahil inunahan ng AAMA.

78. AMANA -Party list ng mga hindi nagco-condom

79. AMANG – Party list ng mga batang-bata

80. AME – Party list ng mga AMErikano. Tutal minority sila rito. Para malegalize na rin ang power nila dito.

81. AMIN – Party list ng mga political dynasty

82. AMS – Alyansa ng Media at Showbiz. Featuring Doc Manny Calayan! Kailangan pa ba iyan? Para ba namang walang artista sa politika ano?

83. AN WARAY – Wala bang Ang WARAT? Nominee natin si Joyce Jimenez.

84. ANAD – Alliance for Nationalism and Democracy. Pero nilalait na pala ito dahil sa pagiging right-wing. Dapat dito LAMAD.

85. ANAK – Party list ni Jason Ivler Aguilar.

86. ANAKALUSUGAN – Dahil walang sense ang ANAKARENINA.

87. ANAKPAWIS – Mortal na kalaban ng ALUM.

88. ANG KASANGGA – Akala ko ba patay na si Daboy?

89. ANG LADLAD – Seriously, sino ang nagsabing walang bading sa Kongreso o Senado bago pa pumasok ang partidong ito sa pulitika? Bakit kayo takot na takot?

90. ANG MINERO – Party list ng mga nangungulangot

91. ANG NICP – Ano ang NICP? Ang NATIONAL COALITION ON INDIGENOUS PEOPLE’S ACTION daw e. E ano iyun?

92. ANG PADER – Bakit kaya wala akong nakikitang poster nito? Ang gandang tingnan naman ng poster niya parang label lang sa pinagdidikitan.

93. ANG PDR – Um loko! Jejemon version ng # 92.

94. ANG SAMAKA – Party list ng mga saling pusa.

Pahinga muna ako at non-stop ito. Bukas ang Part 2.

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: