Extinct Tagalog

Salitang Tagalog na Malapit nang ma-extinct

Sunog-baga: nauso ang salitang ito noong may Home Along Da Riles pa si Dolphy, ito ang tawag sa mga chainsmoker. Sa mundo ni Kevin Cosme, hindi lang sila basta chainsmoker. Manginginom, sugarol, mahilig sa babae, manggagantso at may maliit na kapansanan na noong panahong iyon ay nakakatawa (andiyan si Boy Kuhol, si Boy Lingon at yung lalaking wala namang kapansanan pero maitim lang siya).

Ngayon madalang na nating marinig ang “sunog-baga.” Hindi ko alam kung dahil ba ito sa kakaunti na lang ang nagyoyosi (madami pa rin) o gumana ang Yosi Kadiri at may stigma na ito (kumalat na nga ang nagtitinda ng Black Cat) o nakalipat lang ako sa ibang pamayanan na hindi naninigarilyo?

Isa pang nakakatuwa rito ay ang katotohanan na ang mga dating salitang kalye na nauso ay originally mga salitang “maton.” Mga napulot sa giyera, mga salita sa Bilibid, mga salita sa beerhouse. Ngayon pinalitan naang mga salitang gaya ng “astig” at “buyon” ng “haller?”

Dagdag: Dati kapag sinabing tsaa, iisa lang ang maiisip mo, Lipton. Nakalagay yung kalahating kutsarita sa matibay na papel na kahit babad sa tubig hndi napupunit. Ngayon may iced tea, lemon iced tea, green tea, oolong tea, pati tea tree oil meron na rin.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: