Dream Episodes ng Matanglawin

Sa mga adik sa TV na tulad ko, marahil alam niyo ang ibig kong sabihin kung sasabihin ko na ang Matanglawin TV show sa ABS-CBN ay ang Pinoy version ng Jackass ng MTV Networks. Paano ba naman kasi, mahilig si Kuya Kim na gumawa ng mga katarantaduhan na itinatago sa ngalan ng siyensiya. Andiyan iyung subukan niyang hulihin ang baby na buwaya (mga isa’t kalahating metro nang haba) a la zookeeper. Subukang tumira sa isang isla nang walang pagkain, bahay o tubig (pero siya lang, iyung cameraman mayron).  Nagpapasok siya ng tubo sa bibig hanggang sa tiyan nang walang anesthesia! Pero sa bawat makahulugan na pagsubok na iyan, mayroon ding mga walang kwentang bagay na wlang kinalaman sa siyensiya, maliban na lang kung gusto lang niyang patunayan kung gaano kalaki ang kanyang bayag:

1. Upang ipakita sa mga bata kung gaano kalakas ang arnis, nagpahataw siya ng kamagong sa tiyan.

2. Nagpakagat siya sa aso na tinetraining na maging watchdog. Nakasuot siya ng makapal na suit pero iyung harapin niya ang mga German Shepherd at mastiff para magpakagat?

3. Hinipo niya ang ulo ni Erap para malaman kung wig ito.

Sa ngayon, dahil wala akong ABS-CBN, nami-miss ko ang mga episode ng Matanglawin. Hindi ko tuloy alam kung kaya nilang ipalabas (o naipalabas na) ang aking dream episode featuring Kuya Kim:

1. Bilang hamon sa commercial ni Villar, maliligo siya sa dagat nang basura.

2. Maga-a la Pekto at Carmina Villaroel siya bilang isang doktor sa isang ospital. Hindi naman siya gagawa ng surgery, bawal iyun at wala siyang lisensiya. Siya lang naman ang magsasabi sa kamag-anak ng isang pasyente na patay na ito.

3. Babarilin niya ang gas tank ng isang kotse para malaman kung sasabog talaga ito.

4. Kakain siya nang marami at dudutdutin ang kanyang lalamunan para magsuka. Isa itong illustration ng bulimia.


One response to “Dream Episodes ng Matanglawin

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: