Pagkain at Sex – part 1

Sa pagmumuni-muni ko sa mga panahong uso pa si Xerex ay naisip ko na bukod sa pagiging likas na mhilig kumain ang mga Pinoy ay mahilig din tayo sa sex. Madalas nga ay napaghahalo natin ang dalawang ito.

For example, ano ang madalas na tawag sa binoy (titi)? Sa mga sulat kay Xerex itinuturing itong hotdog. Lalo na kung makatas at may keso pa sa loob na madaling pumulandit. Vegetarian? pwede ring upo na matigas, mahaba at mataba. May talong din naman na mas maliit, pero tama lang ang laki, taba, at haba. Meron din namang simpleng saging lang ay masaya na. At hindi lang basta saging: mamili ka, seƱorita, latundan, lakatan o saba. Pero minsan yung saging nagmimistulang maruya.

Kung si binoy tinatawag na hotdog, ang bayag naman ay itlog! Hindi malaman kung itlog ng manok o pato, basta wag lang ostrich, wag lang butiki, basta itlog na maalat (alam niyo na marahil kung bakit, inaamoy pa nga e).

Sa babae naman, ang parte ng babae na una nating napapansin ay ang mga suso. Katunog na agad ng pagkain pero malamang konti pa lang sa inyo ang nakasubok. Pero sa mga nakakain na ng suso, pareho po ang pagkain sa dalawa – pagsipsip. Siguro nga kaya pinangalanan ito na… hehehe, malabo yata yun.

Sa mga vegetarian, at sa mga hindi pa nakakatikim ng suso (iyung dalawa), tinatawag din ang mga tinaguriang “funbags” na melon, papaya, pakwan. Madaling makuha ng imahinasyon na ito’y pinapangalanan dahil sa angking kalibugan, este, kabilugan, lalo na at ito ang parte ng babae na pinakamadaling makita. At huwag kalimutan ang icing ng cake – yun bang gagamunggong kulay pink, brown o black.

Dumako naman tayo sa baba. Ang unang makikita natin sa ibaba ng baywang ng babae (external ba, maliban sa bulbol) ay tinatawag na puki. Alam naman natin na tinawag na rin itong monay. May isinulat na article si Ambeth Ocampo kung saan ikinuwento niya na may tatlong size ng monay (yung tinapay) na ibinebenta noong araw: monay (pinakamaliit), abanaku (mas malaki), at susmariosep (pinaka). May nagsensor ba ng mga panaderya ngayon at hindi na kahugis ng monay ang mahiwagang puki?

Kung hindi kayo kumakain ng tinapay may iba namang katawagan diyan. Hindi ko nga lang alam kung sino ang nakaisip na tawagin itong tilapia. Huh? Alam ko minsan sa isang joke tinawag na itong daing (na bangus siguro, lalo na at may malinamnam na taba sa gitna), pero hinati pa. Ang konti naman.

Pero papasok na tayo. Oo, papasok na tayo, hanggang makasalubong natin ang mani. Mas nauna ko pang nalaman ang nickname nitong mani (via bastos na jingle bells) kaysa Tagalog na tinggil. Bakit nga ba tinawag itong mani? Dahil ba sa ito’y maalat? Maraming pagkain ang maalat. Dahil ba korte itong mani? Bilugan na para bang butil? Ano nga ulit iyun – kuntil butil?


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: