Repost: Ang Nagwawalang Apo ni Mary Walter

Noong kami ay nakatira pa sa San Juan, nagsisimba kami sa Our Lady of Mt. Carmel sa Broadway (sa may Cubao area na ito ng Quezon City). Wala pa ngang 2.50 pesos ang pamasahe sa dyip dati. At ang basa ko pa sa Cubao ay KU-BA-O.

Kapag Linggo, walang pasok si Mama sa trabaho, kaya gusto niya lagi kaming magkakasama kapag Linggo at magsisimba (pagkatapos niyang mamalantsa). May mga araw na naiinis ako dahil may mga palabas sa TV na magaganda noon (pero hindi kasingganda ng palabas ngayon). Tapos madalas hindi pa Tagalog ang misa sa Mt. Carmel. Napakabata ko pa talaga dati. Kaya pagkatapos magbihis ng jeans at T-shirt ay sasakay na kami ng dyip.

Sa Our Lady of Mt. Carmel Church marami na rin kaming artistang nakikita dati pa. Nandiyan si Ricky Belmonte, Bernard Bonnin at iyung isang extra sa Valiente na ipinagpipilitan ng pinsan ko. Pero hindi ko malilimutan si Ms. Mary Walter. Dahil siguro nakita ko siya sa TV nang makailang ulit, minsang pagkapasok namin sa simbahan na nakita ko siyang naghihintay ng pari, lumapit ako, kinuha ko ang kamay niya, at nagmano.

Para sa akin, napakanatural ng ginawa ko. Siguro dahil lumaki rin naman ako sa mga aral ni Kuya Bodjie sa Batibot. Pagkakita ko pa naman kay “lola,” tatambad pa talaga ang puting-puti niyang buhok na animo’y bulak. May maliit na belong gawa sa lace pa siya sa ulo. Wala naman siyang suot na eskapularyo sa leeg. Nagulat ang nanay at tatay ko. Pati na rin ang mga nakakitang ibang tao.

Tumingin sa akin si Ms. Mary Walter, hinipo ang aking ulo at sinabing, “Kaawaan ka ng Diyos.” =)


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: