Mga WTF Moment sa Pinoy TV

Mga WTF Moment sa TV

Mga hindi maintindihan, mga commercial na dapat naman ay malinaw para bilhin ang produkto/pakinggan ang mensahe pero ang mga sumusunod ay tutuluyan ka nang mapapakamot ng ulo. (Pakireport na lang po kung ma link na hindi gumagana.)

1. Pocari Sweat

– Mula sa pagkagumon ng mga Pilipino sa mga Asian (dati kasi Taiwanese, then Korean, tapos ngayon may Japanese at Singaporean na rin) telenovela ay nabuo ang konseptong ito. Hindi ko alam kung pumatok ang produktong ito, na balita ko ay lasang pawis. Hindi ko alam kung gusto kong uminom ng isang bote ng pawis ng Hapon, maliban na lang kung pawis ni Maria Ozawa (siyempre hindi nakabote, istreyt pram da sors!).

Dito sa commercial na ito na si Jeffrey Jeturian ang nagdirek, iisa lang ang dialog ng dalawa na binigkas nang paiba-iba ang inflection. Pocari Sweat? Pocari Sweat! Ganito rin ang propaganda ng mga pulitiko lalo na kapag eleksyon. Uulitin lang ang pangalan (sa jingle, sa tarp, sa relief goods) para matandaan ng publiko.

Palagay ko hindi niyo na natandaan ang commercial na ito.🙂

2. Datu Puti Toyo

Heto yung nauna sa dalawang commercial na magkasunod na ipinalabas sa TV. Ito yung kadarating pa lang ni Marica sa baryo.

Nasasarapan ba sa amoy ng nilulutong karne ang baka? Mukhang ayokong maging pastol doon a.

Bilib ako dun sa nagsabi, “Iba ang toyo ng babaeng yan!!!” Sinabi niya ito nang kaunti lang ang paggalaw ng kanyang bibig.

Kung mapapansin ninyo, sa umpisa ng komersyal, binanggit na namatay nga sa giyera ang asawa ni Marica. Tapos sa dulo ang sasabihin niya – sundan mo ang bango???!

3. Dragon Katol

Oo na. Guilty na ako kasi luma na ang commercial na ito at kabisado niyo na pero heto, ano ang kinalaman ng isang cowboy sa katol at bakit may kasama siyang babae? Wala bang motel sa kanila? May joke ba silang na-i-reference?

4. Eveready Battery

Naalala niyo ba iyung naging problema sa Pokemon nang madami daw nagkikisay na bata nang mapanood si Pikachu na umiilaw? Meron din tayo nito noong 1980s pa. Sa 0:33 mag-ingat kayo ha. Tignan niyo ang dilim pa ng simula.

…Itutuloy


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: