Vicks Inhaler

Muli pong nagbabalik si neckromancer sa inyo, matapos na ako’y mawala sa sirkulasyon.

Sa ngayon, mayroon tayong bagong bibigyang pansin, ganyan talaga tayong mga walang magawa. Muli kong ipapakilala sa inyo ang isang bagay na pahaba, bilugan, matigas na makikita mo sa handbag ng nanay mo (at hindi ito sepilyo). Kung magkaedad tayo o mas matanda ka sa akin, alam mo na ito ang Vicks Inhaler.

Sa Mga Batang Nagbabasa…

Sa mga hindi nakakaalam, ang Vicks inhaler ang katumbas ng Chapstick ngayon. Ubiquitous (English kasi mas malapit sa gusto kong ipahiwatig), ginagastusan kahit hindi kailangan, hindi maintindihan ang silbi, para itong Philippine Information Agency, pero mas maliit. Saka magkakapitbahay lang naman sila ng Chapstick.

History

Noong 1941, ipinakilala ang Vicks® Inhaler sa U.S. Matagal nang mayroong Vicks Vaporub, ito ang mukhang paste na nasa lalagyanan ng kulay asul na plastic. Sinadya ito bilang pamahid sa nananakit na katawan, masakit na ulo at sipon. Pero dahil siguro pinupunas lang ng mga tao sa itaas ng labi nila kaya inimbento nila ang inhaler. Ayon sa website nila, “The Inhaler contains a unique blend of menthol, camphor, methyl salicylate, oil of sassafras, and oil of Siberian pine needles (which is later replaced by a manufactured compound in 1958 to aid conservation efforts).” Aba! English!Sa Tagalog, mayroon itong yerba buena, alcamporado, (ano ang Tagalog ng methyl salicylate?), langis ni Pete Sampras at langis ng – kailan pa nagkaroon ng pinya sa Russia?

E Bakit Nga May Inhaler?

Kaya ginawa ang inhaler para kumita. Tingnan niyo. Ang laman nito ay kalahating mL lamang. Naloko pa nga ako noong bata pa ako dahil akala ko iyung kumakalog sa loob e pinatigas na Vicks na parang candy. Iyun pala para lang itong bolitas ng fountain pen – para hindi magbara yung ink ang silbi nito sa pluma.E paanong magbabara ang gas na sinisinghot??

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: