4. I can think better going to work in the afternoon.
3. I get to sleep late… I have to sleep late!
2. I don’t have to endure the impeachment coverage.
1. I get to go home to a beautiful sunrise.
4. I can think better going to work in the afternoon.
3. I get to sleep late… I have to sleep late!
2. I don’t have to endure the impeachment coverage.
1. I get to go home to a beautiful sunrise.
Dear Neckromancer,
Balita ko ay nagtatrabaho ka na sa call center kaya bihira ka na mag-post sa blog mo. Anyway, ang tanong ko ay ito: Hindi ako makatulog sa gabi. Lagi kasi akong may naririnig na mga nakakatakot na tunog sa baba ng bahay kapag dito ako natutulog mag-isa sa master’s bedroom. Pwede mo ba akong tulungan, bilang vampiric pervert?
Tatakut
***
Dear Tatakut,
Oo, ako ay nagtatrabaho na sa isang call center. Mahirap kasing gawin ang walang ginagawa. Pero hindi ito dahilan ng pagbalam ng aking mga post sa blog. Kumukuha lang ako ng ideya. Hindi ako makapagsusulat kung naka-tengga lang sa bahay, ano? Kailangan ko rin nang pambili ng libro ni Lewis Grizzard at Dave Barry.
Anyway, ukol sa katanungan mo, matutulungan kita. Matutulungan kita, pero hindi ngayon. Panggabi nga ako e.
Lumaking mahirap si Pablo sa isang maliit na bayan sa Nueva Ecija. Pinalaki siya ng kanyang ina na mag-isa. Palibhasa’y hindi niya nagisnan ang kanyang ama. MALANDI, bulung-bulungan ng mga kapitbahay, ngunit hindi ito inalintana ng mag-ina. “Wala akong hiningi sa kanila ni isang butil na bigas,” sabi ng kanyang ina.
Tinutukso si Pablo ng kanyang mga kalaro. PUTOK SA BUHO, sabi nila. Nang araw na iyon, umuwi siyang may pasa sa noo at punit ang laylayan ng kaliwang manggas ng kamiseta. Itinago niya ito sa kanyang ina.
Minsan lamang nagkuwento ang kanyang ina tungkol sa ama niya. Pasko noon, at wala silang makain. Napalo pa siya ng kanyang ina, na hindi naman nito ginagawa, dahil nagpumilit sabihin ng kanyang bibig ang himutok ng kanyang tiyan.
“Tahan na, anak.”
Singhot ng sobrang luha sa ilong at panginginig ng katawan ang sagot ni Pablo. Unang beses niyang mapalo.
“Pagpasensiyahan mo na ang Mommy, marami lang iniisip.”
Malaon ay nagpayakap na rin siya. Tapos,
“May tatay po ba ako?”
“Meron, anak. At nangako siya na hahanapin tayo.”
Marami pang ikinuwento ang kanyang ina ukol sa mahiwaga niyang ama, pero ito lang ang pinaka-naalala niya. Maraming beses na naglaro ang kanyang isipan; isa kayang Amerikanong sundalo ang tatay niya? isa kayang ubod nang yaman na emir sa Saudi? o baka naman isang Hapon na imbentor na mahusay gumawa ng gadget, robot o kotse?
Isang araw nalaman niya.
Hinimatay ang kanyang ina nang araw na dumating si Gregory. Siya raw ang abugado nang tatay niya. Kamamatay lang nito sa sakit na kanser, pero bago ito namatay ay nakuhang ipahanap sa buong mundo ang kanyang anak. Buong mundo? “Yes,” sabi ni Gregory. Nalaman ni Pablo na ang kanyang tunay na ama ay Amerikanong mayaman na gumagawa ng mga gadget na minahal ng buong mundo.
Hindi niya kinilala ang ama. “Sorry,” sabi niya kay Gregory. Pinalayas niya ang abugado.
***
Pangit kasing pakinggan na tatay niya si Steve Jobs.